Ang librong ito ay paunang paglilikom lang ng mga tula ng may-akda. Hinugot nya ang inspirasyon ng mga kanyang mga tula mula sa mga karanasan, tagumpay, pagsubok, at mga samu't-saring aral ng buhay. Nagsimula ang kanyang pagsusulat mula sa murang edad na 17 hanggang sa ngayong may sarili ng pamilya sa edad na 37.
Ang paglilimbag ng kanyang mga tula bilang isang libro ay isa sa kanyang matagal ng pangarap. Naniniwala syang ito ang pinakamabisang paraan upang maibahagi nya ang kanyang mga panulat, hindi lang sa kasalukuyan ngunit pati na rin sa hinaharap.
Bilang pagpupugay sa kanyang lugar na kinalakihan, kung saan nagsimula syang magsulat, ang aklat na ito ay pinamagatang "Unahi", isang diyalektong Marinduqueno na ang ibig sabihin ay "go ahead". Inuudyukan ng may-akda ang sinumang magbabasa na kung may nais silang gawin sa kanilang buhay, huwag ng mag-atubili at gawin agad hanggat may lakas pa.
Hindi katulad ng ibang aklat ng tula, isinalaysay din ng may-akda sa aklat na ito ang mga kwento sa likod ng kanyang mga tula, upang lubusang maintindihan ang kanyang damdamin at inspirasyon habang isinusulat niya ito.
Gusto mo bang malaman kung bakit hindi natuloy magPari ang may-akda? O bakit nahihiya siyang magtinda ng tinapay para may pambaon sa school noong bata pa? Alam mo ba ang kanyang pangarap bilang OFW? Ano kayang mga aral ang natutunan niya ngayong panahon ng Pandemic?
Ang lahat ng kikitain ng may-akda sa librong ito ay mapupunta sa kawanggawa at mga taong nangangailangan ng tulong.