Pag-ibig. Isang salitang makapangyarihan. Walang humahadlang, hahamakin ang lahat masunod lamang. Taon-taon may araw na nakalaan upang maipahayag natin ang ating pagmamahal sa mga taong espesyal sa ating buhay. Isang araw na puno ng mga bulaklak at tsokolate. Isang araw na pwede mong sabihin ang mga salitang "Mahal kita" kahit ilang beses mo gusto. Isang araw na maaari kang maghatid ng matatamis na yakap at halik at walang manghuhusga sa iyo!...