Ang Damdamin ng Panitik ay binubuo ng pinagsanib na talento ng dalawang guro na sina Gng. Girlyn Villada Umpad at Gng. Judy Marie Deles-Malabad sa isang proyektong aklat ng mga tulain.
Nakakintal ang kanilang pagpapahalaga sa kalikasan, pamilya, at sa napiling propesyon bilang guro. Buong pusong ibinigay ang bahagi ng pagkatao para sa ekstensyon ng kanilang tahanan, ang paaralan. Upang ang mga mag aaral ay hubugin at patnubayan ukol sa mga kaalamang panlipunan, siyensya, aritmetik, at iba pang kasanayan sa pagkatuto. At higit sa lahat ay nabigyan ng panahon ang pagsinta sa pagkatha ng mga tula.
Ang bawat makakabasa nito ay tatangayin sa piling ng kalikasan, sasalingin ang damdamin ng mahahalagang tagpo, at hahangaring magkaroon ito ng karugtong.
-Josephine Deles-Prudenciado LIRA Fellow 2022, Batch KALAT