Ang pagtanda ay makasaysayan sa ating panahon sa dahilang pinakamarami ang bilang ng matatanda sa buong kasaysayan ng tao sa mundo. Ang tinatawag na "baby boomers," ang mga ipinanganak pagkakatapos ng World War II, ay silang matatanda na ngayon (edad 65 hanggang 72, humugit-kumulang); at pinakamarami ang kanilang bilang kung ihahambing sa matatanda ng ibang panahon. Makatuwirang gawing paksa ang pagtanda at ang kasanib na mga usapin katulad ng psychology...